Mahal ko... Tanging ang mga sinungaling na mga anino na lamang ang karamay sa bawat gabi na nagpakilala ka sa akin.
hindi ba’t ikaw ang nangakong sa pagsikat ng mga parating na buwan ay ikaw lamang ang dadapo sa aking nananabik na mga labi.
tila yata iba na ang nagmamay ari ng iyong mga pangako...
mga pangako na sa aking dibdib ipinanganak.
mga pangako na tinubuan na lamang ng pakpak sa iyong kawalan.
nag liparan, dumapo sa mga nilalang na ang mga mukha ay linisan lamang sa akin.
hindi ba’t ako ang nagmamay ari ng bayan ng iyong puso...
Ako, na syang umahon sa abo ng iyong pag iisa noong ika’y pinagtaksilan ng tadhana...
narito ako’t bulag paring maghihintay sa iyong pagbalik, hanggang tumigil na lamang ang puso ko sa mistulang pagtibok...
Ako ang nagmamay ari ng dugong dumaloy sa iyomg puso na gumigising sa loob ng palasyong iba ang lumikha. Ako.
Pangako mahal, kapag tutluyan kang nahipan sa dakong di ko maabot, gabi gabi akong mangangarap na ako nalang sana ang lalayo’t sa iyong paghinga...
at sa iyong burol tatayo akong parang mandirigmang luluha para sa isang muntikan nang maging kanya...
This hit hard
ReplyDelete